OFW Family Circle (OFC)

OFW Family Circle (OFC)
Idinaos ang kauna-unahang pagpupulong ng mga presidente ng OFW Family Circle (OFC) katuwang ang PESO department at MSWD sa pamumuno ng ating Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus para sa pagtatayo ng “help desk” kasama din sa mga tinalakay ang mga kinakailangan na iba’t-ibang uri ng assistance upang maisakatuparan ang mga proyekto para sa ating mga kababayan na nasa ibang bansa.
Ginawang prayoridad sa pagpupulong ang pagtatayo ng help desk. Ito ay para sa pagharap sa mga problema at hinaing ng ating mga kababayang OFW.
Inaasahan na mas paiigtingin at patatatagin pa ang samahan, ang nasabing pagpupulong ay magaganap buwan-buwan. Hangad ng ating Punong Bayan na iparamdam sa ating mga kababayan ang pagmamalasakit sa loob o labas man ng ating Bayan ng Laur.
Maraming salamat po.
#SERBISYOANGLALAPITSATAO
#LAURNUEVAECIJA
#Respect

Copyright © 2015. Municipality of Laur, Province of Nueva Ecija. All rights reserved.

Powered By:

Official Website of Laur Municipality, Province of Nueva Ecija