Skip to main content

Nitong nakaraan lamang ay nakatanggap ng mensahe ang ating butihing Punongbayan

Nitong nakaraan lamang ay nakatanggap ng mensahe ang ating butihing Punongbayan Atty. Christopher “Tupe” Daus mula sa ating kababayan na si Ms. Luisa Montes De Guzman. Siya ay residente ng Brgy. San Isidro Laur, Nueva Ecija at isang OFW sa Riyadh, Saudi Arabia.
Dito ay idinulog niya ang kanyang kalagayan at di magandang karanasan sa bansang kanyang napuntahan at agad naman itong binigyang pansin at aksyon ng ating Punongbayan.
Sinigurado niyang sa lalong madaling panahon ay makakauwi ng ligtas ang ating kababayan at hindi nagtagal ay agad itong naisakatuparan.
Matapos nito, personal na nagpunta si Ginang Luisa sa ating bahay pamahalaan upang magpasalamat sa tulong at malasakit na ibinigay ng ating butihing Punongbayan.
Sa pamamagitan ng pagmamalasakit sa kapwa, naipapakita ng mga kapwa Pilipino ang halaga ng pagiging magkapwa tao sa panahon ng pagsubok.
Hindi natin dapat pabayaan ang ating mga kababayan na nagttrabaho at nakikipagsapalaran sa ibang bansa para sa kanilang mga mahal sa buhay.
Official Website of Laur Municipality, Province of Nueva Ecija