
Nationwide Simultaneous Bamboo and Tree Planting Activity | September 13, 2023
Kasabay ng kaarawan ng ating Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay ang pagsagawa ng tree planting activity kaugnay sa selebrasyon ng 1st Anniversary of Simultaneous National Tree Planting na isinagawa sa Brgy. San Felipe, Laur, Nueva Ecija. Ito ay naging matagumpay sa patuloy na pagsuporta ng ating Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus, katuwang sina Engr. John Arvin Fausto (MENRO) at ang mga kawani mula sa RHU at MDRRMO.
Kasama sa programang ito ang NGO’s One Movement, Inc. na may layuning “One Movement, One Million Trees and Bamboos to Protect Sierra Madre Mountain Range” kasama ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng DENR-CENRO, PENRO, PNP Laur, Provicial BFP at BFP Municipal of Laur, Gabaldon at Bongabon, AFP, DWNE. Gayundin ang mga Brgy. Captains ng Brgy. San Felipe, Canantong, San Juan, Sagana at Brgy III. Sumakatutal, apat na daang (400) indibidwal ang nakiisa sa programang ito.
Layunin ng gawaing ito na makapagtanim ng limang-daang (500) bamboo seedlings, at mapalitan ang mga punong itinanim na hindi tuluyang nabuhay sa mga nagdaang taon.
Kami po ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng mga indibidwal, ahensya, at organisasyon na nakiisa sa tree planting na ito. Sa ganitong pamamaraan ay naipapakita natin ang pagmamahal at pagkalinga sa ating Inang Kalikasan.
Maraming Salamat po!
#treeplanting
#TreePlantingActivity
#LAURNUEVAECIJA