Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Munting Handog ni Mayor

Kahapon nga lang po, ikalawa ng Agosto, nagpa-abot ng munting handog ang ating mahal na Mayor Atty. Christopher “Tupe” Daus sa ating magigiting at masisipag na mga traffic enforcer. Ang nasabing handog ay mga uniporme na kanilang magagamit at maisusuot sa pagseserbisyo sa ating bayan ng Laur.
Samantala, matatamis naman na mga ngiti ang naging tugon ng ating mga traffic enforcer nang personal itong ipaabot ni Mayor sa kanya mismong opisina.
Tunay nga po na kayo ay maituturing na bayani dahil sa kabila ng malalakas na pagbuhos ng ulan at katirikan ng araw ay tuloy-tuloy pa rin ang inyong serbisyo, upang mapanitili ang maayos na daloy ng trapiko dito sa ating bayan.
Isang masiglang pagsaludo po sa ating mga mahal na traffic enforcer!
Maraming salamat po sa inyong serbisyo!
#trafficsafety
#progresopagbabago
#mayortupe