
Municipal Social Welfare and Development Office – Laur, Nueva Ecija
PABATID PUBLIKO MULA SA PAMAHALAAN NG LAUR
Para po sa kaalaman ng lahat, ipinababatid po ng aming tanggapan, LAUR MSWD, na maari na pong maghanda at magpasa ng mga DOKUMENTONG KAKAILANGANIN para sa EDUCATIONAL ASSISTANCE ang MGA KWALIPIKADONG ESTUDYANTE NA MAKAKATANGGAP NG AYUDA MULA SA DSWD.
: SINU-SINO PO BA ANG MGA KWALIPIKADONG ESTUDYANTE NA MAKATANGGAP NG EDUCATIONAL ASSISTANCE MULA SA DSWD?
BREADWINNER
WORKING STUDENT
ULILA/ NAABANDONA NA, NAKIKITIRA SA KAANAK
ANAK NG SOLO PARENT
WALANG TRABAHO ANG MGA MAGULANG
ANAK NG DISTRESSED OFW/ REPATRIATES
ANAK NG PERSON LIVING WITH HIV
BIKTIMA NG PANG AABUSO
BIKTIMA NG KALAMIDAD O SAKUNA
: MAGKANO PO ANG MATATANGGAP?
₱1000.00 – ELEMENTARY
₱2000.00 – HIGH SCHOOL
₱3000.00 – SENIOR HIGH SCHOOL
₱4000.00 – COLLEGE/VOCATIONAL
: ILAN PO ANG PWEDENG MAKATANGGAP KADA-PAMILYA?
HANGGANG 3 MIYEMBRO PO NG PAMILYA AY MAAARING MAKATANGGAP BASTA PO MAY MGA DOKUMENTO AT KWALIPIKADO
: SINU-SINO PO BA ANG MGA HINDI KWALIPIKADO?
PAMILYANG KABILANG SA 4Ps, MINOMONITOR MAN O HINDI ANG MGA ANAK
(IPAGPAUBAYA NAMAN PO NATIN SA IBA DAHIL MAYROON NAMAN NA PO KAYONG NATATANGGAP NA EDUCATIONAL GRANTS)
MGA ESTUDYANTENG MAY EXISTING SCHOLARSHIP GRANTS (KAHIT ANONG SCHOLARSHIP NA KINABIBILANGAN)
DAY CARE AT KINDER
MGA MAY KAKAYAHAN SA BUHAY
: ANU-ANO PO ANG MGA KAILANGAN NA REQUIREMENTS?
PARA SA ELEMENTARY, HIGH SCHOOL, SENIOR HIGH SCHOOL, VOCATIONAL AND COLLEGE STUDENTS:
1. CERTIFICATE OF ENROLLMENT O CERTIFICATE OF REGISTRATION ( COR WITH STATEMENT OF ACCOUNT KAPAG COLLEGE STUDENT)
2. STUDENT/SCHOOL ID (VALID FOR CURRENT SCHOOL YEAR 2022-2023)
3. VALID GOVERNMENT ID NG CLAIMANT (KUNG SINO ANG MAGLALAKAD NG MGA PAPEL AT MINOR ANG ESTUDYANTE)
: MA’AM WALA PA PONG BAGONG I.D. MAGPAPASUKAN PA LANG PO/MA’AM EXPIRED NA PO YUNG ID KO/ID NG ANAK KO
HIHINGI PO KAYO NG CERTIFICATE OF NO ISSUED I.D. SA SCHOOL
: MA’AM PAANO PO KUNG WALA NG MGA MAGULANG YUNG BATA, MINOR PO, SINO PO ANG PWEDENG MAG-AYOS/MAG-CLAIM?
KUNG ANG BATA PO AY MINOR AT HINDI PWEDENG MAG CLAIM, WALA NG MGA MAGULANG O NAGTTRABAHO SA MALAYO, HIHINGI PO KAYO NG CERTIFICATE OF GUARDIANSHIP SA BRGY. PAGPAPATUNAY PO IYON NA ANG BATA AY NASA INYONG PANGANGALAGA SA KADAHILANANG ANG MGA MAGULANG AY ___________.
: KAPAG PO BA NA-INTERVIEW NA, NAKAPAGPASA NA, MAPE-PAYOUT PO BA?
MAGPOPOST PO KAMI NG MASTER LIST BAGO ANG ITINAKDANG ARAW NG PAYOUT, ANG MGA HINDI PO MAPAPABILANG SA LISTAHAN AY HINDI MAKAKATANGGAP DAHIL HINDI PO KWALIPIKADO.
DADAAN PA PO SA MABUSISING ASSESSMENT AT REVIEW ANG INYONG MGA KAPAPELAN UPANG MAIWASAN PO NATIN NA MABIGYAN ANG MGA HINDI KWALIPIKADO AT MAS MAITULONG NA LANG PO ITO SA MAS HIGIT PANG NANGANGAILANGAN.
ANG SCHEDULE PO NG PAYOUT AY SA DARATING NA SEPTEMBER 3, 2022, SABADO, GAGANAPIN PO SA PLAZA CONCEPCION, PALAYAN CITY.
ANONG ORAS PO? BAKA PO MAY PAGBABAGO DAHIL DPEO PERSONNEL PO ANG MAG-PE-PAYOUT. WE WILL ANNOUCE NA LANG PO KAPAG MAY ORAS NA PO.
ANG MGA SUMUSUNOD PO AY SCHEDULE NG PAGPUNTA SA AMING TANGGAPAN (MSWDO) SA MUNISIPYO PO, KAPAG MAY NAKITA PO KAYONG TENT SA LABAS GAWING EXIT NG MUNISIPYO, DOON PO ANG VENUE. ANG MGA PUPUNTA PO SA HINDI ARAW NG KANI-KANILANG SCHEDULE AY HINDI PO NAMIN TATANGGAPIN. GINAGAWA PO NATIN ITO PARA MAIWASANG MAGKAGULO ANG MGA TAO.
AUGUST 24, 2022 9:00AM-5:00PM
1. BRGY. PINAGBAYANAN
2. BRGY. I
3. BRGY. NAUZON
AUGUST 25, 2022 9:00AM-5:00PM
1. SAN FELIPE
2. SICLONG
3. SAN ANTONIO
AUGUST 26, 2022 9:00AM-5:00PM
1. SAN VICENTE
2. BRGY. IV
3. BRGY. II
AUGUST 29, 2022 9:00AM – 3:00PM
BRGY. PINAGBAYANAN, BRGY. I, BRGY. NAUZON, BRGY. SAN FELIPE, BRGY. SICLONG, AT BRGY. SAN ANTONIO, NA HINDI NAKAPAG SUBMIT NG REQUIREMENTS DAHIL SUSPENDED ANG KLASE NG AUGUST 24, 2022.
SILA LAMANG PO ANG PUWEDENG TANGGAPIN AT BIGYAN NG PALUGIT DAHIL ANG MGA SUSUNOD PA PONG BRGY. AY MAGKAKAROON NG MAS MAHABANG ORAS PARA ASIKASUHIN ANG MGA ISUSUMITE NILANG DOKUMENTO
AUGUST 30, 2022 9:00AM-5:00PM
1. BRGY. III
2. BRGY. SAN JOSEP
3. BRGY. SAN JUAN
AUGUST 31, 2022 9:00AM-5:00PM
1. BRGY. SAN ISIDRO
2. BRGY. CANANTONG
3. BRGY. BETANIA
SEPTEMBER 1, 2022 9:00AM-3:00PM
1. SAN FERNANDO
2. SAGANA
INUULIT PO NAMIN ANG MGA PUPUNTA PO SA HINDI ARAW NG KANI-KANILANG SCHEDULE AY HINDI PO NAMIN TATANGGAPIN.
MARAMING SALAMAT PO AT MAG-INGAT PO TAYONG LAHAT.