Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Municipal Agriculture and Fishery Council Meeting

Ngayong araw ay dinaluhan ng ating Punong Bayan, Atty. Christopher “Tupe” Daus ang isinagawang “Municipal Agriculture and Fishery Council Meeting” na ginanap sa Gerry’s Integrated Farm, Brgy. IV, Laur, Nueva Ecija na dinaluhan ng mga Chairmans ng ibat ibang Asosasyon at Kooperatiba sa ating Bayan, Municipal Agriculture Office sa pangunguna ni Municipal Agriculturist, Mr. Alvin Agbayani, Provincial Agriculturist, Mr. Bernardo Valdez, at MAFC Vice Chairman, Mr. Benito Dayao.
Napag usapan sa nasabing pulong ang mga paparating na mahahalagang Programa ng Departamento ng Agrikultura gaya ng pamimigay ng binhi at pataba ngayong Wet Season 2023 at programang Crop Insurance sa lahat ng naka rehistrong magsasaka.
Humingi din ng opinion at payo ang ating minamahal na Punong Bayan patungkol sa kanyang planong Pagbili ng mga makinaryang pang akrikultura gaya ng Combine harvester at Traktora upang magamit ng mga nangangailangan nating mga magsasaka na sya namang positibong sinang ayunan ng lahat ng tagapakinig.
Maraming Salamat po sa inyong pagdalo at hindi matatawarang suporta!