Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

MOA Signing of Rice Processing System Type 1

“Aarangkada ang magsasaka sa paggamit ng tamang makinarya”
Mapagpalang araw at magandang balita mga kababayan!
Kahapon po, Oktubre 24, 2023 ay ginanap ang pinakahihintay na Memorandum of Agreement o MOA Signing para sa proyektong RICE PROCESSING SYSTEM TYPE 1 (RPS 1) na itatayo po rito sa ating bayan at pamamahalaan/i-mamanage po ng ating Local Government Unit mula po sa Department of Agriculture at PHILMECH na nagkakahalaga ng eighteen million pesos (P18,000,000.00).
Ang MOA signing ay dinaluhan ng ating butihing Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus, Municipal Agriculturist Mr. Alvin C. Agbayani, pamunuun ng PHILMECH sa pangunguna ni Dir. Dionisio G. Alvindia PhD, APCO Nueva Ecija, Mr. June C. Lacasandile, at representative mula sa opisina ni Senator Cynthia A. Villar sa katauhan ni Engr. Jaypee De Guzman.
Ang Rice Processing System ay isang uri ng Rice Post Harvest Facility na may kakayahang magtuyo at maggiling ng palay upang maging bigas. Inaasahang malaki ang maitutulong ng proyektong ito sa ating mga magsasaka na nagpapatuyo at nagpapakono ng kanilang inaning palay. Inaaral din po namin ang posibilidad ng pagbebenta ng mas murang bigas sa ating pamilihan upang lubhang makatulong sa higit na nangangailangan.
Ang makasaysayang pangyayari ito ay siguradong magdadala ng makabuluhang pag-usbong sa ating agrikultura at buhay ng ating mga magsasaka. Ito ay simbolo ng pag-asa at pagkakaisa para sa mas magandang kinabukasan ng bayan ng Laur.
Kami po ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng mga indibidwal, ahensya, at organisasyon na naging daan upang maipagkaloob sa aming bayan ang proyektong ito.
Muli, maraming maraming salamat po!
#labanparasamagsasaka
#BidaAngMagsasaka
#mayortupe
#LAURNUEVAECIJA