Skip to main content

MOA Signing of Balay Silangan Between Palayan and Laur – July 14, 2023

Noong nakaraang araw po ng biyernes, ika labing apat ng Hulyo, taong kasalulukyan, ang mga kawani ng Laur Municipal Police Station na sya pong pinangunahan ni PCPT Rexie Magno kasama po ng ating butihing Punongbayan Atty. Christopher “Tupe” Atty. Christopher “Tupe” Daus at ang lahat po ng bumubuo ng Palayan City police station kasama po ang kanilang hepe na si PCPTCOL Renato Morales na siya pong lumagda sa kasunduan ng “Balay Silangan”kabilang po ang Mayor ng Palayan City, kagalang galang Viandrei Nicole Cuevas.
Ang pagpupulong pong ito ay pinagtibay ng ating panginoon sa pamamagitan po ng panalangin na pinangunahan ni Pastor Perfecto Nolasco, kasunod po ay ang pagbibigay ng isang makabuluhang mensahe na hatid po ng ating minamahal na punongbayan Atty. Christopher Daus.
Ang pangunahing layunin po ng aktibidad na ito ay upang mapagtibay ang pagkakapit bisig, pagkakaisa at pagsasama-sama sa pagpapanatili ng iisang hangarin. Ito nga po ay ang pagsusulong na ang bawat lokal na unit ng gobyerno ay maging “Drug Free” environment. Ito rin po ay magbibigay interbensyon, pagpapayo at kabuhayan na may layuning tulungan ang mga nagkasala sa paggamit ng ilegal na droga na maging produktibo at mamamayang masunurin sa batas.
Asahan po ninyo ang patuloy na pagbabago hatid ng sama-samang pagtutulungan para sa mas maunlad na bayan ng Laur.
“We are only as strong as we are united, as weak as we are devided.” -J.K. Rowling
Maraming Salamat po!
Search
Official Website of Laur Municipality, Province of Nueva Ecija