Skip to main content

Meeting: Mayor with Public Market Vendors

“Malaki ang parte ng market vendors sa pag-asenso sa bayan ng Laur.”
Isa lamang ito sa mga kataga ng ating Punong Bayan na kaniyang iniwan sa ating Market Vendors sa pagpupulong bilang paghahanda sa taong 2023, ngayong araw ng Huwebes, ika-6 ng Oktubre, 2022.
Hangad po ng ating Amang Bayan ang tuluy-tuloy na kaayusan ng ating Pamilihang Bayan. Kaya naman, nagbigay ng oportunidad ang ating Mayor Atty. Christopher “Tupe” Daus para sa ating mga manininda na maging mas maayos at umasenso pa ang kanilang pamumuhay katuwang ang ating Municipal Public Market Sir Melchor Enriquez.
Naging prayoridad sa nasabing pulong ang paghingi ng kooperasyon ng ating mayor sa mga tindero’t tindera na sumunod sa patakaran at tuntunin ng ating temporary public market, kasama din dito ang pagbabago ng singil sa renta ng bawat posisyon ng market vendors, at pagresponde sa mga katanungan at hinaing ng ating mga manininda na may kaugnayan sa kaayusan ng ating public market.
Pinapangatawanan ng ating Amang Bayan na magkaroon ng pagkakapantay-pantay at kaayusan ng lahat ng market vendors. Para maisakatuparan ito, disiplina ng bawat isa ang kailangan.
Maraming salamat po sa lahat ng masisipag nating Market Vendor♥️🤝
#LAURNUEVAECIJA
#SERBISYOANGLALAPITSATAO
#MayotTUPE
#Respect
#PublicMarketVendor

Search
Official Website of Laur Municipality, Province of Nueva Ecija