Skip to main content

Meeting: Mayor with LATODA Tricycle Drivers

“Sistemang nakaayon sa batas, sistemang nakaayos at nakasunod sa tuntunin at patakaran.”
Isang linya na nagmula sa ating Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus na kanyang pinapanindigan at isinasakatuparan.
Sa kagustuhan ng ating Amang Bayan na mas maisaayos ang ating bayan ng Laur, nagsagawa muli ng pagpupulong para sa ating mga miyembro ng #LATODA upang pag-usapan ang mga paksa kaugnay ng samahan at kapakanan ng mga kababayan nating namamasahero.
Tinalakay at Pinlano ang pagpaparehistro ng ating tricycle drivers sa PhilHealth bilang kanilang insurance, pag sasaayos sa mga tuntunin at patakaran bilang paghahanda sa taong 2023, at ang pagpapanatili ng one-side parking sa ating Bayan.
Nagkaroon din ng panayam ang ating Mayor sa ating mga tricycle drivers kung ano ang kanilang ideya, saloobin, at mungkahi na makakatulong sa pag-unlad ng ating bayan. Sa huli, personal na nagbahagi ang ating Punong Bayan ng relief goods bilang pagpapasalamat sa ating LATODA members lalo na bilang frontliner sa panahon ng pandemya.
“Ang pangunguna sa pagsasaayos ay nagsisimula sa leader ”
Tuluy- tuloy ang pagbabago at pag-unlad ng ating bayan. Sama-sama po nating tunghayan ang kaayusan at makibahagi sa mga proyekto at programa para sa ating bayan.
Maraming salamat po.
#SERBISYOANGLALAPITSATAO
#MayorTUPE
#LAURNUEVAECIJA
#Respect
#publicmarketvendor

Search
Official Website of Laur Municipality, Province of Nueva Ecija