Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Mayor with LATODA Members | August 10, 2023

“Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan”
Kahapon lamang ay naganap ang pagpupulong ng samahan ng mga Tricycle drivers o LATODA dito sa ating bahay pamahalaan upang talakayin at pag-usapan ang mga sistema at patakaran sa pamamasada. Ito ay sa pangunguna ng ating butihing Mayor Atty. Christopher “Tupe” Daus.
Kasabay nito ang kanyang pagbibigay ng mensahe sa kahalagahan ng pagsunod sa mga patakaran at batas na umiiral kaugnay sa pamamasada sa bayan ng Laur.
Naging bukas din ang pagpupulong sa mga katanungan, mungkahi, at rekomendasyon ng ating mga drayber patungkol sa mga patakaran na dapat gawin ng samahan ng LATODA. Agad din namang tinugunan ng ating Punong Bayan ang kanilang mga naging katanungan.
Mahalaga ang tinig ng ating mga drayber upang maipaabot natin ang kanilang mga pangangailangan, at nang sa gayon ay makapagbigay rin sila ng tapat at mahusay na serbisyo sa lahat ng mamamayan sa bayan ng Laur.
Maraming Salamat po!