Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

MAYOR TUPE’s BASKETBALL TRAINING CAMP 2022

Nakilahok ang Philippine Basketball Association (PBA), Daniel De Guzman ng San Miguel Beerman Team, sa Training Camp ng Brgy. IV, ngayong araw ng Sabado, ika-27 ng Agosto.
Pinakitaan ng gilas at galing ng tanyag na basketbolista ang mga kabataan ng Barangay I, II, III, at IV upang magbigay inspirasyon sa mga nag-aasam na mga kabataang nais maging isang propesyonal na basketbolista. Kabilang din dito ang pagbibigay ni Daniel ng mga payo para sa mas ikagagaling ng mga batang manlalaro.
Hangad ng ating butihing Ama ng Bayan na bigyan ng pagkakataon at bigyang pansin ang ating mga kabataan at mga batang inspirado na nahihilig sa paglalaro, mga partikular na ang Larong Basketball.
Masayang makita ang ngiti sa mga labi at saya ng mga batang dumalo sa aktibidad na ito. Kaya naman maraming salamat sa lahat ng mga batang nakiisa at nakilahok sa ating pagsasanay. Para sa inyo ang lahat ng ito.
Sa lahat ng kasama at katuwang na bumubuo ng Programang ito, Maraming salamat sa inyong lahat.
#KABATAANGLAUREANSKAYONAMAN
#TRAININGCAMP2022
#LAURNUEVAECIJA