
Maligayang Kapistahan at Ika-85 na Selebrasyon ng Pagkakatatag ng Parokya ni San Esteban Hari | August 16, 2023
Ngayong araw ipinagdiriwang ng Simbahang Katoliko ang araw ng kapistahan ni San Esteban Hari ng Hungaria, na siyang santong patron ng ating bayan ng Laur. Kasabay nito ang pagdaraos ng banal na misa na ginanap sa St. Stephen the King Parish Laur sa pangunguna ni Most Rev. Sofronio A. Bancud SSS. DD. Bishop of Cabanatuan.
Nakipagdiwang at dumalo sa banal na misa ang ating butihing Mayor Atty. Christopher “Tupe” Daus, gayundin ang mga opisyal ng bayan at mga kawani ng pamahalaan.
Si San Esteban ang hari na namuno sa kanyang bansa na yakapin ang pananampalatayang Kristiyano noong ika-11 siglo. Sa kabila ng kanyang kapangyarihan, kilala siya sa kanyang kababaang-loob, pagmamalasakit, at pagmamahal sa kanyang mga mamamayan.
Nawa’y maging inspirasyon natin ang kanyang buhay at paglilingkod, at patuloy tayong magsikap na magpakabuti sa ating kapwa.
Pagpalain nawa tayo ng Panginoon.
Mahal na Patrong San Esteban Hari, ipanalangin mo kami!
#StStephenofHungary
#FeastDayCelebration