Skip to main content

Malasakit para sa ating mga Senior Citizen


Sa pangunguna ng ating Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus, isinagawa ang pagbibigay ng mga insentibo sa ating kababayan na seniors na mag-asawang kasal at umabot sa ika-limampung taon ng pagsasama o Golden Year Wedding Anniversary (GYWA) at pagbibigay ng insentibo sa bawat mamamayan na umabot sa edad na siyamnapung-taong gulang (90).
Katuwang rin nito ang pagbibigay ng insentibo sa ating kababayan na si, Lucena Domingo ng San Fernando na umabot ng isang daang taong (100 years) gulang at tatawaging “Laur Centinarian” .
Ang mga insentibong natanggap ng ating mga senior ay nakapailalim sa Municipal Ordinance No. 2019-90 at Ordinansa Munisipal Blg. 2018-077 Serye ng Taong 2018 bilang pag-amyenda sa pambayang ordinansa blg 2017-77.
Makikita sa larawan ang ngiti at saya ng ating mga mahal na Seniors. Lubos naman ang saya at pasasalamat ng ating punong bayan dahil nakasama, nakilala at nakamusta nya ang ating mga kababayan na seniors na matagal na nagsilbi o minsang pinagsilbihan ang ating bayan. Saludo po kami sa inyong dedikasyon at pagmamahal sa ating bayan.
Maraming salamat po.
#SERBISYOANGLALAPITSATAO
#Respect
#weloveseniorcitizen

Official Website of Laur Municipality, Province of Nueva Ecija