Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Makabuluhang Usapan at Talakayan sa Brgy. San Fernando, Laur, Nueva Ecija

Mapagpalang araw po sa ating lahat!
Kahapon po, Oktubre 09, 2023, personal po na nagtungo ang ating Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus sa Brgy. San Fernando upang magkaroon ng makabuluhang usapan at talakayan kasama sina COP PMAJ Danilo D. Liberato Jr., Barangay Chairman Emil Estabillo at mga kawani ng barangay.
Kasabay nito ay ang paghahandog ng mga pagkain at tubig bilang pagpapakita ng pakikiisa at suporta sa ating mga magigiting na kasundaluhan, kapulisan, bantay bayan, at mga kawani ng Brgy. San Fernando. Ito po ay sa inisyatibo ng ating Punong Bayan katuwang ang mga masisipag na kawani mula sa MDRRMO.
Sama-sama po nating ipanalangin ang katahimikan ng ating bayan. Gayundin ang panalangin sa ating mga bantay kaligtasan na handang mag-alay ng buhay para sa kapayapaan ng ating minamahal na bayan ng Laur.
Tunay po na kayo ay mga bayani ng bayan!
Maraming Salamat po!