Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Magandang Buhay mga Kasaka!

October 21, 2022

Narito po ang mga schedule ng Bawat Barangay Maraming Salamat po.
Nais po naming ipabatid na ang aming tanggapan ay mayroon ng schedule sa pamamahagi ng binhi para sa tanimang Dry Season 2022-2023. Mangyari lamang pong pumunta muna sa aming opisina upang kumuha ng stub sa inyong technician bago magtungo sa NFA bldg. Barangay IV kung saan kukunin ang binhi.
Requirements/Qualifications
1. RSBSA REGISTERED
2. 1 VALID ID
3. Nagtatanim ng palay ngayon dry season o dayatan(hindi po i-entertain o mabibigyan ng binhi ang mga rainfed o minsan nagtatanim ng palay sa isang taon sapagkat di naman nila maitatanim ngayong dayatan ang binhing palay na kanilang makukuha)
Pinapakiusapan po ang lahat na sumunod sa tamang oras at petsa ng pagpunta. Nais po naming ipaalala na kung saan po ang LOKASYON ng inyong sinasaka ay doon po nakabatay ang pagkuha nyo ng binhi. HALIMBAWA:
KUNG IKAW AY TAGA BARANGAY II AT ANG LUPANG iyong SINASAKA AY NASA CANANTONG, SA SCHEDULE PO NG CANANTONG KAYO SASABAY PARA KUMUHA NG BINHI.
#TULONGPARASAMASAGANANGANI
#TEAMLABANPARASAMAGSASAKA
Maraming Salamat Po 🙂