Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Magandang Buhay mga Kasaka

Nais po naming ipabatid na ang Municipal Agriculture Office ay mayroon ng schedule sa pamamahagi ng binhi para sa tanimang Dry Season 2023-2024. Mangyari lamang pong pumunta muna sa opisina ng Municipal Agriculuture upang kumuha ng stub sa inyong technician bago magtungo sa NFA bldg. Barangay IV kung saan kukunin ang binhi.
Requirements/Qualifications
1. RSBSA REGISTERED at nakapagpa-MAPPING
2. 1 VALID ID
3. Magtatanim ng palay ngayon dry season o dayatan(hindi po i-entertain o mabibigyan ng binhi ang mga rainfed o nagtatanim lang ng palay tuwing tag-ulan sapagkat di naman nila maitatanim ngayong dayatan ang binhing palay na kanilang makukuha)
Pinapakiusapan po ang lahat na sumunod sa tamang oras at petsa ng pagpunta. Nais po naming ipaalala na kung saan po ang LOKASYON ng inyong sinasaka ay doon po nakabatay ang pagkuha nyo ng binhi. HALIMBAWA:
KUNG IKAW AY TAGA BARANGAY II AT ANG LUPANG iyong SINASAKA AY NASA CANANTONG, SA SCHEDULE PO NG CANANTONG KAYO SASABAY PARA KUMUHA NG BINHI.
#labanparasamagsasaka
Maraming Salamat Po 🙂