
MADAC COUNCIL MEETING | October 21, 2022
Personal na nakibahagi ang ating Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus sa isinagawang pagpupulong ng Peace and Order Council katuwang ang BFP Laur, PNP Laur, AFP, MHO, LnB, Laur Communal Irrigator’s Association, Samahan ng Magsasaka, DILG, at mga departamento ng Municipalidad ng Laur. Ito ay
upang pag-usapan ang mga usaping pagpapanitili ng kaayusan sa bayan ng Laur.
Naging pangunahing paksa sa pulong ang implementasyon ng Peace and Order and Public-Safety Plan (POPS-Plan) para sa taong 2023-2025 at pag-uulat ng mga datos kaugnay ng mga kaso at mga suliraning panlipunan (issues and concern) na kinakaharap ng ating Bayan.
“Tamang plano at tamang implemetasyon ng plano.”
Gaya ng sinabi ng ating Amang Bayan, upang maisagawa ang mga ito, dapat magkaisa tayo pag-isipan at magdiskurso upang makabuo ng mainam na solusyon para sa mga suliranin. Pag-aralang mabuti ang bawat posibleng solusyon sa bawat problema.
Maraming salamat po
#SERBISYOANGLALAPITSATAO
#MayorTUPE
#LAURNUEVAECIJA
#Respect