Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Lakad ng Pagkakaisa para sa Mapayapa at Maayos na BSKE 2023 | September 27, 2023

Matagumpay na naisagawa kaninang umaga ang Lakad ng Pagkakaisa Para sa Mapayapa at Maayos na BSKE 2023 sa patuloy na pangunguna at pagsuporta ng ating Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus, katuwang ang mga kawani mula sa COMELEC, PNP, AFP at BFP Laur, kasama ating mga aspiring leaders.
Ginanap ang aktibidad sa St. Stephen the King Parish Church, kasabay ang panunumpa at pagpirma sa kasunduang mapayapa at tahimik na BSKE 2023.
Layunin nito na isulong ang isang maayos at mapayapa na pagsasagawa ng halalan at maipakita ng mga kandidato ang paggalang sa panuntunan ng batas. Umaasa ang Commission on Elections (COMELEC) na ang kaganapang ito ay magpapaunlad ng diwa ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mga kandidato at mga botante ng Laur, Nueva Ecija.
Idinadalangin namin ang pagkakaisa ng ating mga aspiring leaders sa mapayapang halalan. Nawa’y umunlad ang ating mga barangay sa ilalim ng kanilang pamumuno, at manaig ang kapayapaan, kaunlaran, at katarungan.
Maraming Salamat po sa lahat ng dumalo at nakilahok sa isinagawang lakad para sa MAPAYAPANG HALALAN!
#BSKE2023
#PeaceCovenant
#LAURNUEVAECIJA