Skip to main content

Kapihan sa Brgy. Betania | July 04, 2023

Ngayong araw ay Brgy. Betania naman ang napiling bisitahin ng ating Mayor Atty. Christopher “Tupe” Daus upang dito isagawa ang lingguhang kapihan.
Dito ay kanyang iniulat ang mga nagawang proyekto sa loob ng isang taon niyang panunungkulan bilang ama ng bayan na Laur.
Ipinaliwanag din niya na ang layunin ng nasabing kapihan at pakikipagdulog sa ating mga kababayan ay paraan upang personal niyang malaman ang kalagayan ng mga barangay na kanyang nasasakupan at ang mga hinaing nito.
Samantala, sa pagpapatuloy ng talakayan ay binanggit ng ating Punongbayan ang mga nakalatag pa niyang proyekto at pangarap para sa ating bayan. Ilan dito ay ang pagdedevelop ng mas maraming tourist spot ng sa gayon ay mas makilala pa ang ganda ng bayan ng Laur. Aniya, kapag buhay ang turismo ay mas maraming papasok na negosyo at kapag madaming negosyo, dadami ang kababayan natin na magkakaroon ng trabaho.
Sa pagtatapos po ay nagkaroon ng kahilingan ang ating mga kababayan. Ilan dito ay Vitamins, Cash Assistance at Panambak na lupa sa ilang parte ng kani-kanilang lugar.
Muli, Kami po ay nagpapasalamat sa lahat ng sumusuporta at nakikiisa sa aming mga programa at aktibidad.
Maraming Salamat po!
#sulonglaur
#mayortupe
#progresibongbayan
#KaPiHAn2023

Official Website of Laur Municipality, Province of Nueva Ecija