Skip to main content

KAPIHAN AT KWENTUHANG MAKABULUHAN SA BRGY. III POBLACION

“KAPIHAN AT KWENTUHANG MAKABULUHAN SA BRGY. III POBLACION”
Sa pagbisita ng ating Punongbayan Atty. Christopher “Tupe” Daus sa Brgy. III Poblacion ay muli siyang nagsagawa ng kapihan at pakikipagtalakayan sa kanyang mga nasasakupan. Dito nga ay kanyang ipinahayag ang mga naging tagumpay ng ating bayan sa nakalipas na mga buwan gayon din ang mga minimithing mga proyekto.
Isa sa mga tagumpay na ito ay ang pagkakaroon ng Super RHU na malapit ng matapos at mapakinabangan. Naging patok din ang Pailaw noong disyembre at Pagulyas Festival nitong abril.
Magkakaroon na rin ng kauna-unahang Cold Storage na nagkakahalaga ng 4 milyon at kasalukuyang ginagawa sa Brgy. San Vicente. Ito ay inaasahang matapos sa susunod na taon bago ang anihan at prayoridad ang mga maliliit na magsasaka dito sa ating bayan.
Nais ng ating butihing Mayor na magkaroon ng mga bagong gamit ang Super RHU at mas maging malaki pa ang ating Center sa paglipas ng panahon. Paghahandaan din ang pagpapaganda ng Ilog Bato Ferry upang ito ay mas maging kaakit-akit sa mga turistang bumibisita at bibisita pa sa mga susunod na taon.
Magkakaroon din ng iba pang mga tourist spot dito sa ating bayan upang magkaroon ng karagdagang pagkakakitaan ang ating mga kababayan.
Samantala, Nagkaroon ng pamamahagi ng mga gamot para sa mga Senior ng Brgy III at ipinahayag ang pagkakaroon ng karagdagang Scholar na mabibigyan ng 25k per sem para sa kanilang pag aaral.
Sa pagtatapos ay nagkaroon ng kahilingan ang ating mga kababayang Senior Citizen na dagdag sa local pensyon na magkakahalaga ng 500.
Maraming Salamat po!

Official Website of Laur Municipality, Province of Nueva Ecija