Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

KAPIHAN AT KWENTUHANG MAKABULUHAN SA BRGY. II POBLACION

“KAPIHAN AT KWENTUHANG MAKABULUHAN SA BRGY. II POBLACION”/June 27, 2023
Ngayong araw ay bumisita ang ating Mahal na Mayor Atty. Christopher “Tupe” Daus sa Brgy. II Poblacion at dito ay idinaos ang lingguhang kape-kwentuhan sa kanyang nasasakupan.
Dito ay kanyang binuksan ang usaping pang ekonomiya. Nabanggit ng ating Punongbayan na ang “pagtaas ng ekonomiya ng isang bayan ay may kaakibat na pagtaas ng antas ng pamumuhay”.
Kanya ding ipinagmalaki ang nalalapit na pagbubukas ng ating Super Rhu at ang anim na bagong ambulansya na handang magbigay serbisyo sa ating mga kababayan.
Gayon din ang iba’t ibang financial assistance.
Naging makabuluhan ang naganap na pagpupulong at sa pagtatapos nito ay nagkaron sila ng kahilingan partikular na dito ay ang cash assistance lalo na sa mga senior citizens, at 24 hours resident physician upang hindi na kailangan pang idala sa ibang bayan ang mga pasyente at may sakit nating kababayan upang doon ay gamutin.
Maraming Salamat po sa patuloy at walang sawang pagsuporta sa aming mga aktibidad.
#KaPiHAn2023
#serbisyolalapitsatao
#mayortupe
#LAURNUEVAECIJA