Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Kapihan at kwentuhang makabuluhan sa brgy. Canantong

June 17, 2023

Ngayong araw ay napiling bisitahin ng ating Mahal na Mayor Atty. Christopher “Tupe” Daus ang Brgy. Canantong at dito ay idinaos ang lingguhang kape-kwentuhan sa kanyang nasasakupan.
Sinimulang pag usapan dito ang nalalapit na pagbubukas ng Super RHU na talaga namang maipagmamalaki ng mga mamamayan ng Laur at ang ngayon ay anim na ambulansyang nakaabang at handang magbigay ng serbisyo anumang oras para sa ating mga kababayan.
Nabanggit din ang kanyang mga pangarap sa Bayan ng Laur na balang araw tayo ay magiging First Class Municipality. Ito ay sa pamamagitan ng pagdevelop ng mga tourist Destination sa ating bayan upang mas makaakit pa ng mas maraming Turista.
Sa pagtatapos ng talakayan ay nagkaroon ng kahilingan ang ating mga kababayan. Ilan dito ay Financial Assistance, Water Truck at Denstista.
Maraming Salamat po sa patuloy at walang sawang pagsuporta sa aming mga aktibidad.
#LAURNUEVAECIJA
#mayortupe
#progresibongbayan