
KAPE-KWENTUHANG MAKABULUHAN SA BRGY. IV POBLACION
“KAPE-KWENTUHANG MAKABULUHAN SA BRGY. IV POBLACION”
Sa pagbisita ng ating Punongbayan Atty. Christopher “Tupe” Daus sa Brgy. IV Poblacion ay muli siyang nagsagawa ng kapihan at pakikipagtalakayan sa kanyang mga nasasakupan. Muli ay kanyang inilatag ang mga nakaabang na plano at proyekto na makakatulong upang mas mapaunlad at mapaganda ang ating bayan.
Ilan dito ay ang pagpapagawa ng mga kalsada, planong pabahay para sa mga informal settlers at drainage upang maiwasan ang pagbaha sa parating na tag-ulan.
Pangarap din niya ang makabili ng karagdagang sasakyan para sa ating Munisipyo, kapulisan at sa DSWD na magagamit sa paghahatid ng mabilis na serbisyo sa ating mga mamamayan.
Sa pagtatapos ng talakayan ay nagkaron ng kahilingan ang ating mga kakabayan. Ilan dito ay gamot para sa mga kabarangay nilang nagkakasakit, drainage upang maiwasan ang pagbaha sa ilang parte ng barangay at bagong poso.
Muli, kami po ay nagpapasalamat sa lahat ng nakikiisa at patuloy na sumusuporta sa aming aktibidad.
Maraming Salamat po!