Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

JHS Moving Up & Graduation Ceremonies

Kamakailan lamang ay ginanap ang “Moving up”ceremony o ang pagtatapos ng mga mag aaral ng Hilario E. Hermosa Memorial High School at San Isidro Elementary School sa kani- kanilang baitang.
Naimbitahan po sa nasabing seremonya ang ating Punongbayan Atty. Christopher “Tupe” Daus upang saksikahan at gayundin ay magbigay ng kanyang mensahe para sa mga mag aaral na nagsipagtapos.
Naging laman nga po ng kanyang mensahe ang hiling sa mga mag-aaral na pangaraping mabigyan ng karangalan ang sakripisyo, pagod at hirap ng magulang. Gayundin ang pagpapasalamat sa mga taong sumuporta at gumabay sa bawat hakbang na kanilang dinaanan.
Maraming salamat po sa pagpapaunlak sa atin pong Mayor na maging saksi sa mga batang nagsipagtapos!
Muli ay ipinahahatid po namin ang aming Pagbati.
Congratulations!!!