Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Iskolar ng Bayan Allowance Distribution

Iskolar ng Bayan Allowance Distribution!
Magandang araw po sa ating lahat.
Kamakailan po, June 24, 2023, nagsagawa ng Allowance Distribution katuwang ang ating butihing Punongbayan Atty. Christopher “Tupe” Daus kasama ang PESO Department at Municipal Treasurer’s Office na nagbigay ng allowance sa ating mga kabataan na beneficiary ng ating Iskolar ng Bayan.
Ang ating Punongbayan ay nagpaabot ng kanyang maiksing mensahe sa ating mga kabataan na, ” Hindi hadlang ang kahirapan o estado ng inyong buhay, upang makapagtapos ng pag-aaral at maabot ang inyong mga pangarap at propesyon, eto ay na sa inyong pagsisikap upang ang inyong mga pangarap ay inyong makamit.”
Sa lahat po ng mga kabataang beneficiary ng ating Iskolar ng Bayan na hindi pa nakakakuha ng Allowance, maaari nyo pong kunin ito sa Municipal Treasurer’s Office, magdala lamang po kayo ng photo copy ng I’d with three (3) signatures, at kung hindi naman po ang beneficiary ang kukuha magdala lamang po kayo ng authorization letter, photo copy ng I’d ng beneficiary at photo copy ng I’d ng kukuha.
Sa lahat po ng nakiisa sa programang ito, Maraming salamat po.
#mayortupe
#laurpeso
#IskolarNgBayan2023
#kabataanglaureans