Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Isang kababayan muli ang ating nahatiran ng tulong pinansyal

Serbisyo na ang Lalapit sa Tao, Hindi na Tao ang Lalapit sa Serbisyo
Isang kababayan muli ang ating nahatiran ng tulong pinansyal,
Si Albert Enobio ng Brgy. IV, 14 anyos, na kasalukuyang nakaconfine sa hospital ng Bongabon sanhi ng lumalaganap na sakit na dengue. Kasama ang kawani ng MSWD, ay agad po tayong nagpaabot ng tulong.
Mga kababayan, anumang tulong na maaaring tugunan ng Pamahalaang Bayan ay maaari ninyong ilapit sa ating tanggapan, bukas ang ating Bahay Pamahalaan para sa lahat ng nangangailangan.
Dahil tulad ng sinimulan at ipinangako ng ating Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus,
Serbisyo ang Lalapit sa Tao.
Hangad po namin ang inyong mabilis na paggaling.
Muli laging pinaaalala ng ating Amang Bayan, na panatilihin nating maglinis ng ating paligid. Mag Iingat po tayong lahat.
Maraming salamat po.
#Serbisyonaanglalapitsatao
#LaurNuevaEcija
#Respect