
Isa po ulit na ating kababayan na si Yolanda Mendoza Serfuente ng Brgy. San Felipe na dinapuan ng sakit na dengue
“SERBISYO NA ANG LALAPIT SA TAO, HINDI NA TAO ANG LALAPIT SA SERBISYO.”
Makikita ang kahusayan ng isang lider kapag makikita mo itong tinutupad isa-isa ang bawat pangako nito sa kanyang sinumpaang tungkulin. Kung mapapansin po ninyo, mga kababayan, ngayon lamang po tayo nagkaroon ng mga aktibidad kung saan isinusulong ang kahalagahan ng bawat mamamayan lalo na sa usaping pangkalusugan dahil ang lahat ng mamamayan sa Laur ay mahalaga para sa ating Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus.
Isa po ulit na ating kababayan na si Yolanda Mendoza Serfuente ng Brgy. San Felipe na dinapuan ng sakit na dengue ang ating naabutan ng tulong pinansyal. Talaga nga namang kahanga-hanga rin ang ating mga kawani mula sa MSWDO na agarang pumunta upang ipaabot ang tulong at serbisyo sa ating kababayan.
Mga kababayan, patuloy lamang po nating saksihan at suportahan ang pag-unlad ng ating bayan. Sama-sama po nating ipagmalaki ang Bayan ng Laur.
Maraming salamat po.
#SERBISYOANGLALAPITSATAO
#MayorTUPE
#LAURNUEVAECIJA
#Respect