Skip to main content

International Coastal Cleanup 2022

International Coastal Cleanup 2022
Ang Pilipinas ay nakibahagi muli sa taunang paglilinis at paglilinis ng mga basura sa karagatan. Kaya naman bilang pakikiisa at pagbibigay suporta, ang ating Munisipalidad ng Laur sa pangunguna ng ating Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus katuwang ang LGU Laur, PNP Laur, BFP Laur, ang ating mga Punong Barangay mga kabataan at mga mamamayan ng bawat brgy ay nakibahagi sa Aktibidad na ito, upang mapanatili ang kalinisan at sumuporta upang labanan ang mga matitinding polusyon na malaking nakakaapekto sa ating karagatan. Ngayong taon, ang naging tema ng ating bansa ay “Battle for Trash-Free Manila Bay.
Ang International Coastal Cleanup ay ang pinakamalaking boluntaryong aktibidad na naglalayon mapabuti ang ating karagatan. Libo-libong volunteers tulad ng mga empleyado ng gobyerno, institusyon, mga estudyante, at iba pa, ang nakilahok. Tayo rin ay aktibong nakibahagi bilang pagtugon sa Presidential Proclamation No. 470 series of 2003.
Ang inyong munting tulong, kapag pinagsama-sama ay magiging isang malaking kilos. Patuloy tayong maging disiplanado upang maibsan ang pagdumi ng ating dagat.
Maraming salamat po sa lahat ng mga nakiisa sa paglilinis.

Watch Here: https://fb.watch/fK8iPY1Ws_/

Official Website of Laur Municipality, Province of Nueva Ecija