Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Installation and Turn-over Ceremony for Audit Team Leader

Kahapon nga lang po, Setyembre 04, 2023, sa pangunguna ng ating mahal na Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus ay matagumpay na naisagawa ang Installation and Turn-over Ceremony para kay Bb. Leslie Ann P. Esguerra (Audit Team Leader/State Auditor III) at sa outgoing Audit Team Leader/State Auditor IV na si Gng. Amipola O. Manal. Ang Installation and Turn-over Ceremony ay sinaksihan ng mga department heads ng ating bahay pamahalaan.
Kasabay naman nito ang Pagbibigay ng Sertipiko kay Gng. Amipola O. Manal bilang pasasalamat para sa kanyang dedikasyon, serbisyo, at pagganap sa kanyang tungkulin sa loob ng apat (4) na taon.
Gayundin ang pagkakaloob ng mga palumpon ng bulaklak kay Bb. Leslie Ann P. Esguerra bilang pagkilala at pagtanggap na bagong Audit Team Leader. Ikinagagalak po namin na kayo ay maging bahagi ng aming lokal na pamahalaan para sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng bayan ng Laur.
Maraming Salamat po!
#LAURNUEVAECIJA