Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Inilunsad ang kauna-unahang spiritual nourishment sa bawat departamento sa Munisipalidad ng Laur ngayong Martes, ika-13 ng Septyembre


Bilang pagpapatuloy ng ating pakikiisa para sa pagpapatatag sa pagdiriwang ng ika-122nd Anibersaryo ng Civil Service Commission, higit ang Linggo ng Kalinangan, inilunsad ang kauna-unahang spiritual nourishment sa bawat departamento sa Munisipalidad ng Laur ngayong Martes, ika-13 ng Septyembre.
Pinangasiwaan ang debosyon ng ating mga pastor na sina Ptr. Allan Casiple, Ptr. Freddie Villegas, Ptr. Mark Terre at Ptr. Teng Quindara sa mga departamento sa pamumuno ng ating Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus. Naging makabuluhan ang naganap na pagdiriwang at nakapagbahagi ang ilan sa ating mga kawani ng kanilang karanasan na nagsilbing inspirasyon upang mas lalo pang maging matatag ang relasyon sa Diyos, Pamilya, Kapwa at serbisyong pampubliko para sa ating Bayan.
Atin pong unahin at gawing gabay at lakas ang ating Panginoon sa lahat ng oras. Pagpalain po ang bawat isa.
Maraming salamat po.
#LAURNUEVAECIJA
#122ndphilippinecivilserviceanniversary
#Linggongkalinangan
#Resilience
#PCSA2020