
In commemoration of Independence Day
Ngayong araw po ay ginanap ang pag-alaala sa Araw ng Kalayaan. (Independence day) Ito ay sa pangunguna ng ating butihing Punongbayan Atty. Christopher “Tupe” Daus katuwang ang Sangguniang Bayan sa pangunguna ng kagalang-galang Pangalawang PunongBayan Benjamin Padilla, National Agencies (BFP LAUR, PNP LAUR) at PHMI.
Kasabay nito ay ang pagpaparangal at pagpupugay sa ating Veterans Fedaration sa malaking ambag nila at pagseserbisyo sa ating bayan. Gayon din ang pagbibigay sertipakasyon at pagkilala sa mga Kabataan na nakapasa sa nakaraang Licensure Exam for teachers (LET) at kinikilalang mga bagong Bayani.
Nawa’y maging makabuluhan po at masaya ang ating araw kasama ang ating pamilya.
Atin din pong alalahanin ang sakrispyo, paghihirap at katapangan ng ating mga bayani sa pagbibigay po ng kalayaang ating tinatamasa.
Muli, Kami po ay Lubos na nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi ng programang ito.
Kalayaan,kinabukasan,kasaysayan!
Mabuhay ang Pilipinas!Mabuhay ang Bayan ng Laur!