Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Ilaw Camp Reboot Service and Excellence

June 16, 2023

“INSPIRE TO LEAD; ASPIRE TO WIN”
“ILAW CAMP REBOOT SERVICE AND EXCELLENCE”
Nagsagawa ang Araullo University Phinma Education ng team building na may temang ‘Ilaw camp reboot service and excellence’ sa pangunguna ng kanilang Student leaders.
Ito ay upang mas maging organisado at makabuluhan ang mga proyektong kanilang isasagawa sa hinaharap.
Layunin din ng team building na ito na magka buklod-buklod ang mga kasapi na siyang magiging daan sa matagumpay nilang hangarin para sa ikauunlad ng kanilang unibersidad.
Isa sa naging “highlish” ng event na ito ay ang pagdalo ng ating minamahal na Punongbayan Atty. Christopher “Tupe” Daus bilang Panauhing Tagapagsalita.
“Be a leader! You must be ready to take up all sacrifices and all challenges”. Ito ang naging paalala ng ating mayor sa mga hinalal na student leaders.
Nagpapasalamat po kami sa Araullo University, kina Professor John Paul Vicencio at sa lahat ng Student council members sa pag-imbita sa aming butihing Mayor.
Isa po itong malaking karangalan para sa Bayan ng Laur!
Narito po ang link ng kanilang Facebook page.
https://www.facebook.com/aucscofficial
Maraming Salamat po!
#studentleadership
#ilawCamp
#excellenceineducation