Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Ika-122nd Anibersaryo ng Civil Service Commission (CSC)

Joint Action on Clean-Up Drive Operation.
Bilang pakikiisa sa pagpapatuloy at pagpapatatag para sa Linggo ng malasakit sa pagdiriwang ng ika-122nd Anibersaryo ng Civil Service Commission (CSC).
Tayo ay nagkaroon ng pangmalawakang Clean-Up Drive sa labas at loob ng bahagi ng Pamilihang Bayan ng Laur.
Sa pamumuno ng ating Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus, katuwang ang Sangguniang Bayan sa pangunguna ng ating Vice Mayor Benjie Padilla, BFP Laur at buong kawani ng Pamahalaang Bayan, naisagawa ng maayos ang Linis Operation, ngayong araw ng Miyerkules, ika-7 ng Setyembre, 2022.
Patuloy ang pagkakaisa sa pagpapanatili ng kalinisan sa bayan ng Laur. Mahalaga na parte ang ginagampanan ng kalinisan sa ating pamayanan upang higit nating maipagmalaki ang ating bayan. Ang bayanihan ay isa sa matibay na paraan upang makapagserbisyo tayo ng maayos at may pagmamalasakit sa ating Bayan.
Hinihikayat po namin ang bawat isa na patuloy tayong sumuporta at makiisa sa pagkakaroon ng disiplina sa kalinisan ng ating kapaligiran.
Maraming salamat sa lahat ng dumalo at nakibahagi.
#122ndphilippinecivilserviceanniversary
#Cleanupdrive
#resilience
#Respect