Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Hospitalization and Burial Assistance

June 16, 2023

Kanina lamang ay agad na nagtungo ang ating butihing Punongbayan Atty. Christopher “Tupe” Daus kasama ang mga masisipag na kawani ng MSWDO upang makiramay at magbigay tulong sa mga naulila ng kababayan natin na si Mrs. Michelle Garcia taga Brgy. III Poblacion.
Dito ay personal niyang ibinigay ang burial assistance 2,000 pesos at hospital assistance 3,000 pesos na tulong ng munisipyo sa anak ng ating kababayang namayapa.
Kasabay nito ay ang pakiusap ng ating Mr. Laur 2023 (anak ng namayapa) na ipalit ng cash ang kanyang napanalunang Trip to Boracay ticket na nagkakahalaga ng 15, 000 sa kadahilanang ipandadagdag sana niya sa pagpapaospital ng kanyang nanay na may sakit subalit binawian ng buhay kahapon. Agad naman itong sinang-ayunan at tinupad ng ating Mayor.
Muli, kami po ay lubos na nakikiramay sa mga naulila.