Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Himig at Tanglaw sa Bahay Pamahalaan

November 17, 2022

HANDA NA BA ANG LAHAT PARA BUKAS?
Ikinagagalak po naming ipabatid sa inyo na BUKAS na ang opisyal na pagsisimula ng Himig at Tanglaw sa Bahay Pamahalaan at pagbubukas ng Night Market sa Munisipalidad ng Laur.
Inaanyayahan po namin ang bawat kababayan natin sa ganap na 6:00 pm ng gabi na magtungo sa ating bahay pamahalaan. Halina’t tunghayan ang makukulay na at kaakit-akit na mga pailaw at dekorasyon.
Tunay na hindi na kailangang dumayo pa sa malayo upang makasaksi ng ganitong klaseng mga okasyon. Patunay lamang ito na tuluy-tuloy ang pag-unlad ng ating Bayan ng Laur sa pamumuno ng ating Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus.
Kita-kits! Maraming salamat po.