Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Himig at Tanglaw sa Bahay Pamahalaan: Miss Gay Laur X Zumba Dance Contest

November 28, 2022

Magandang Araw, LAUReans!
Inaanyayahan po namin ang lahat lalo na ang ating mga kababayang lalaki na may pusong babae na ipamalas ang inyong mga talento at kakayahan sa ating sariling “Miss Gay Contest” sa darating na Ika-2 ng Disyembre, araw ng Biyernes, sa ganap na alas syete ng gabi.
Para sa mga gustong sumali (12 slots maximum, 16 Y.O. and above), ipalista lamang ang inyong pangalan, address, at contact number sa ating Facebook Page o kaya naman, isend ang mga impormasyon sa contact number 09355404709 o 09512137247. PAALALA, first come first serve basis po tayo sa inyong pagpapalista.
But wait, there’s more!
Tara na’t sumali na rin tayo sa Zumba Dance Crazena gaganapin sa December 03, araw ng Sabado, sa ganap na 7:00 pm.
Upang makasali (By Barangay), makipag-ugnayan lamang kay Marlon Escalante. Don’t forget to bring your kind of music (10-12 minutes).
Linggo-linggo at tuluy-tuloy lang ang kasiyahan sa ating Bahay Pamahalaan pagsapit ng gabi! Kaya ano pang hinihintay mo? Halina’t makisaya!
Kita-kits, Laureans.
#MayorTupe
#LAURNUEVAECIJA
#RESPECT
#samasamatayongbabangonbayannglaur
#himigattanglawsabahaypamahalaan