Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Happy National Teachers Month

Happy National Teachers Month👩‍🏫👨‍🏫
Parangalan po natin ang ating mga ulirang guro sa kanilang walang sawa at tuluy-tuloy na paghahatid ng dekalidad na edukasyon sa ating mga mag aaral.
Ngayong buwan ng Setyembre hanggang sa ika-lima ng Oktubre ay ipagdidiwang natin ang National Teacher’s Month na may temang “Gurong Pilipino, Dangal ng Sambayanang Pilipino”. Ang pagdiriwang na ito ay ang pagbibigay natin ng karangalan sa lahat ng ating mga guro sa kanilang katatagan at kahusayan sa pagbibigay ng karunungan sa bawat mag aaral.
Maraming salamat mga guro. Nawa ay patuloy kayong magsilbing inspirasyon at modelo sa ating mga kabataan na pag-asa ng bayan.
Maraming salamat po.
@DepEd Philippines
#NationalTeachersMonth2022