Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Happy 50th Golden Founding Anniversary, Alpha Kappa Rho

Nagtipon-tipon ang mga miyembro ng Alpha Kappa Rho-Laur Chapter upang ipagdiwang ang ika-limampung taon na pagkakatatag ng kanilang kapatiran. Ito ay ginanap sa Barangay San Juan sa pangunguna ni Bro. Marvin Yanggo, tagapagtatag ng AKRHO-Laur Chapter, katuwang si Kgg. Valentine Salanga Jr., kapitan ng Barangay San Juan. Ito naman ay personal na dinaluhan ng ating mahal na Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus.
Sa kanyang pagdalo ay nagbahagi siya ng kanyang mensahe at naghandog ng isang tent na magagamit sa pagsasagawa ng mga aktibidad at adhikain ng kapatiran.
Kasabay naman nito ang pag-aabot ng tulong pinansyal na personal na nagmula sa ating Punong Bayan para sa isa nating kababayan, na kamakailan lamang ay nabalitaan natin na sadyang pinaslang ang kanyang alagang kalabaw na kanyang ginagamit sa araw-araw na pagtatrabaho sa bukid. Nakilala natin siya at nabigyang tulong sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng kapatiran sa ating mahal na mayor.
Ang inyong mga ginagawa sa pamamagitan ng iba’t ibang mga inisyatibo at proyekto ay tunay na kapuri-puri at nag-iiwan ng hindi maaalis na marka sa bayan na inyong pinaglilingkuran.
Isang masigabong palakpakan para sa ika-limampung taon ng kapatiran, serbisyo, at kahusayan. Muli, Happy 50th Golden Founding Anniversary!
Long Live, Alpha Kappa Rho!