Skip to main content

Gabriel Daus Sr. Scholarship Program

Magandang araw po sa inyong lahat!
Hangad ng ating Punong Bayan na makamit ng ating mga kabataan ang kanilang mga pangarap at mithiin sa buhay dahil kinakitaan n’ya ang mga ito ng malaking potensyal hindi lamang sa pamumuno, kung hind pati na rin ang kagustuhan na mas makilala pa ang ating bayan pagdating sa paghulma ng mga kabataan na maipagmamalaki ng ating bayan.
Kaya naman, ipinababatid po ng ating punong bayan na si Atty. Christopher “Tupe” Daus ang mabuting balita na ang Laur ay magtatayo ng KAUNA-UNAHANG SCHOLARSHIP PROGRAM na nagngangalang “Gabriel Daus Foundation”, kung saan magkakaroon tayo ng apat (4) na magigiting na scholars at makakatanggap ang mga ito ng FULL EDUCATIONAL ASSISTANCE MULA 1ST YEAR HANGGANG SA MAKAGRADUATE ang mga ito.
Ang nasabing programa ay magkakaroon ng isang pagsusulit upang alamin ang mga karapat-dapat na magtamo ng scholarship na handog ng ating Amang Bayan upang masukat ang angking-talinong taglay at kakayahan ng ating mga mag-aaral sa iba’t ibang asignatura.
Upang makapag-apply sa scholarship, narito ang mga kaukulang dokumento:
1. Para sa mga graduate ng Senior High
a. 2×2 picture and white background with printed name.
b. Form 137 o Grade’s sa Senior High School.
2. Para sa mga 1st Year College
a. 2×2 picture and white background with printed name.
b. Certificate of Registration 2nd Sem (Current School)
c. Certificate of Grades (COG)
d. Photo Copy of ID
Mag-uumpisa ang pagpapasa ng requirements sa December 20, 2022 hanggang January 18, 2023.
Upang makakuha ng form sa pag-aapply, pumunta lamang sa Mayor’s Office at hanapin si Ms. Jessica Cungao.
PAALALA: Ang mga Graduate ng Senior High School o 1st Year College lamang ang maaaring mag-apply para sa scholarship.
Sama-sama nating paunlarin ang Bayan ng Laur!
Maraming Salamat po.
#LAURNuevaEcija
#MayorTUPE
#RESPECT
 
Official Website of Laur Municipality, Province of Nueva Ecija