Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

GABRIEL C. DAUS SR. EDUCATIONAL FOUNDATION | August 09, 2023


Mapagpalang araw po sa ating lahat!
Kahapon, ika-siyam ng Agosto, ginanap sa ating bahay pamahalaan ang Paggagawad ng Sertipiko para sa second batch ng mga iskolar ng “GABRIEL C. DAUS SR. EDUCATIONAL FOUNDATION”. Ito ay personal na dinaluhan ng ating Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus, kasama ang kanyang maybahay na si Ma’am Jennifer B. Daus, at ang kanyang pamilya na sina Ma’am Crisadel Daus Ma’am Catherine Daus, Sir Jose G. Daus, Ma’am Rossana Daus, Sir Melchor Daus, at Ma’am Mary Grace Daus.
Sampung (10) mga mag-aaral ang nagawaran ng sertipiko, kasabay nito ang kanilang contract signing at ang kanilang pagtanggap ng scholarship. Tatlo (3) sa kanila ang nakatanggap ng full scholarship, at pito (7) naman sa kanila ang partial scholarship.
Ipinapaabot namin ang pasasalamat sa naging panauhing tagapagsalita na si Bb. Jemina Kyla A. Tungpalan, sa pagbabahagi ng kanyang kaalaman, karanasan, at pagbibigay ng inspirasyonal na mensahe para sa ating mga bagong iskolar.
At para sa mga bagong iskolar ng Gabriel C. Daus Sr. Educational Foundation, hangad namin na maabot ninyo ang inyong mga pangarap, at maging isang mabuting ehemplo sa ating mga kabataan.
Maraming Salamat po!