Skip to main content

FREE TB SCREENING AND CHEST X-RAY

Tara,t Magbayanihan! TB ay Tuldukan!
Isang magandang umaga po sa ating lahat.
Bilang pagpapatuloy ng ating kauna-unahang Tuberculosis Preventive and Control Program sa bayan ng Laur, direktang bumisita ang ating butihing Mayor Atty. Christopher “Tupe” Daus sa ating mga mamamayan sa Brgy. San Vicente, ngayong umaga, ika-6 ng Oktubre.
Layunin ng programang ito na magsagawa ng Tuberculosis (TB) Mass screening at makapagbigay sa ating mga kababayan ng Free Mobile Chest X-ray, upang hanapin, gamutin, at sugpuin ang sakit na TB sa ating Bayan.
Kasama na rin sa pagbisita ng ating Amang Bayan ang kaniyang pangungumusta sa ating mga kababayan patungkol sa kanilang kalagayan sa araw-araw na buhay.
Para sa mga hindi pa po nakakaalam:
Sino-sino po ba ang maaaring dumalo sa nasabing programa?
1. Taong inuubo ng dalawang linggo o higit pa, pumapayat, nawawalan ng ganang kumain, nilalagnat sa hapon o gabi, masakit ang likod o dibdib at sobrang pagpapawis
2. May edad 15 taong gulang pataas
3. Mga kasambahay ng naggagamot ng anim na buwan sa baga
4. Senior Citizens
5. Mga Brgy. Officials, Tanod ng barangay
6. Mga Drivers, LATODA LAJODA
7. SMOKERS
8. May sakit na diabetes
9. BHW, BNS
10. Myembro ng 4Ps
Maraming salamat po sa ating mga kawani mula sa RHU na walang humpay ang pag-aabot ng kalidad na serbisyo para sa ating lahat.
Inaasahan po naming ang inyong tuluy-tuloy na pagsuporta sa nasabing programa.
PS: Narito po ang talaan ng araw at lugar kung anong Barangay at oras po ang inyong schedule.
Maraming salamat po.
#ENDTUBERCULOSIS
#TBAYTULDUKAN
#SERBISYOANDLALAPITSATAO
#MayorTUPE
#Respect

Search
Official Website of Laur Municipality, Province of Nueva Ecija