Skip to main content

Flag Raising Ceremony feat National Heroes Day

Pinangasiwaan ng ating Ama ng Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus katuwang ang mga opisyal at kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP), Local Government Unit (LGU Laur), ang pagtataaas ng watawat at ang pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani ngayong Lunes, ika-29 ng Agosto 2022.
Ginanap ang nasabing seremonya sa harap ng Munisipalidad ng Laur upang gunitain at ipagdiwang ang mga kagitingan na ginawa ng mga bayani sa ating bansa; pati na rin ang pagninilay-nilay sa mga kalidad na dapat nakikita sa mga kawani ng bawat departamento ng munisipyo.
Sa pagdiriwang ng Pambansang Araw ng mga Bayani ngayong taon, ating pagnilayan at paalalahanan ang mga gawa at pagsisikap ng ating mga bayani sa pagbibigay sa atin ng kalayaang mayroon tayo ngayon.
“Handa ba talaga tayong maging Bayani?”, wika ng ating Mayor Atty. Christopher “Tupe” Daus sa kanyang salaysay. Nawa ay magkaroon ang mga mamamayan ng kalidad ng isang bayani – isang taong handang magsakripisyo at mag lingkod ng tapat para sa ating Inang Bayan.
Mga kababayan, maging simbolo tayo ng bagong pangarap, bagong serbisyo, bagong layunin na magsisilbi hanggang sa mga susunod na henerasyo.
Magandang umaga sa inyong lahat,
Mabuhay ang Bayan ng Laur!
#NATIONALHEROESDAY
#FLAGRAISINGCEREMONY
#TOWNOFLAURNUEVAECIJA

Search
Official Website of Laur Municipality, Province of Nueva Ecija