Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

First Semester Local Pension Payout

for Senior Citizens | August 08, 2023
Magandang hapon po sa ating lahat!
Naging matagumay ang pamamahagi sa unang araw ng First semester local pension para sa ating mga mahal na nakatatanda. Ang mga barangay na nauna sa listahan ay ang Barangay Canantong, Barangay San Juan, at Barangay San Felipe.
Ito ay naisakatuparan sa pangunguna ng ating butihing Mayor Atty. Christopher “Tupe” Daus, katuwang sina OIC-MSWDO Ms. Jezreel DF. Talanay, Municipal Treasurer Sir Jordan Lorca at ang mga pangulo ng senior citizen.
Bukod pa rito ay may inihandang munting meryenda ang ating Punong Bayan para sa mga senior citizens upang sila ay may makain habang naghihintay.
Patunay lamang po na ang serbisyo ang lalapit sa tao, at hindi na tao ang lalapit sa serbisyo dahil patuloy pa rin po na kami ang bababa at pupunta sa inyong mga barangay upang ipamahagi ang local pension para sa ating mga senior citizens.
Para malaman ang petsa at araw ng payout sa inyong barangay, tumungo lamang po sa Facebook page ng Municipal Social Welfare and Development Office – Laur, Nueva Ecija.
Maraming Salamat po!