Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

First Semester Local Pension Payout for Senior Citizens | August 09, 2023

Magandang hapon po sa ating lahat!
Naging matagumpay muli ang pamamahagi sa pangalawang araw ng First Semester Local Pension para sa ating mga mahal na nakatatanda. Ang mga barangay na kabilang sa pangalawang araw ay ang Barangay Sagana, Barangay San Josef, Barangay Nauzon, at Barangay San Isidro.
Ito ay naisakatuparan sa pangunguna ng ating butihing Mayor Atty. Christopher “Tupe” Daus, katuwang sina OIC-MSWDO Ms. Jezreel DF. Talanay, Municipal Treasurer Sir Jordan Lorca, sa buong team ng Municipal Treasury Office, at ang mga pangulo ng senior citizen.
Bukod pa rito ay may inihandang munting meryenda ang ating Punong Bayan para sa mga senior citizens upang sila ay may makain habang naghihintay.
Patunay lamang po na ang serbisyo ang lalapit sa tao, at hindi na tao ang lalapit sa serbisyo dahil patuloy pa rin po na kami ang bababa at pupunta sa inyong mga barangay upang ipamahagi ang local pension para sa ating mga senior citizens.
Para malaman ang petsa at araw ng payout sa inyong barangay, tumungo lamang po sa Facebook page ng Municipal Social Welfare and Development Office – Laur, Nueva Ecija
Maraming Salamat po!