Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Financial Forum | September 12, 2023

Magandang Araw po sa ating lahat!
Naging matagumpay ang pagsasagawa ng Financial Forum para sa mga kawani ng bahay pamahalaan bilang bahagi pa rin ng selebrasyon ng Civil Service Month sa Bayan ng Laur.
Layunin nito na malinang at lalong mapahusay ang paglilingkod ng mga kawani na may kaugnayan sa pagbabudget, taunang investment program, at patuloy na pagsasaayos ng mga transaksyon lalo’t higit kaugnay ang kaban ng bayan.
Ito ay pinangunahan ng Finance Head OIC-MPDO Engr. Roland S. Corpuz, kasama sina Municipal Accountant Ronalyn G. Bayro, Municipal Budget Officer Leonard A. Arenas at Municipal Treasurer Jordan G. Lorca, at sa patuloy na pagsuporta ng ating Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus.
Patuloy nating linangin ang ating mga kakayahan upang tayo’y mas lalong maging karapat-dapat na maging Lingkod Bayan at maibalik ang tiwala ng taong bayan.
Maraming Salamat po!