Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

Exhibition Match (Team Sagana vs. Tropa ni EJ)

Magandang araw mga kababayan!
Kahapon po, araw ng Huwebes ay naganap ang isang basketball match ng Team Sagana vs. Tropa ni EJ na ginanap sa Multipurpose Gym ng Brgy. Sagana, Laur, Nueva Ecija.
Personal naman na dumalo ang ating Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus bilang pagpapakita ng pagmamahal at pagsuporta sa ating mga kababayang manlalaro sa larangan ng basketball. Gayundin si ABC Hernando Yambot na nagpakita ng aktibong partisipasyon, nanguna sa palarong ito, at nag-imbita sa Tropa ni EJ.
Bilang dagdag sa kasiyahan ay nagkaroon din ng shooting contest bilang palaro sa ating mga kabataan at kababayan na may kalakip na iba’t ibang mga papremyo.
Ang paglahok sa sports ay isang pamamaraan upang makatulong na maiwasan ang mga bisyo na maaaring makasira sa ating mga buhay, at upang mapaunlad ang ating mga kabataan at kababayan.
Kaya naman, kami po ay nagpapasalamat kay Sir EJ Ballesteros Joson at sa lahat ng indibidwal na nakilahok sa basketball match kahapon.
Maraming Salamat po!
#YesToSports
#basketball
#LAURNUEVAECIJA