Skip to main content
GOV.PH

Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now Mayor Christopher “Tupe” Daus Inter-Barangay Basketball Tournament is live now

DSWD Releasing of Grant for Sustainable Livelihood Program | October 13, 2023

Magandang araw po sa ating lahat!
Sa patuloy na pakikipag-ugnayan at suporta ng ating butihing Punong Bayan Atty. Christopher “Tupe” Daus, ilan po sa ating mga kababayan ang nakatanggap ng tulong mula sa programang Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ang mga benepisyaryo po ng programang ito ay ang mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps): labintatlo (13) mula sa Brgy. Sagana, siyam (9) mula UNISID, at anim (6) mula sa Bato Ferry. Ang listahan po ng mga naging benepisyaryo ay nanggaling sa DSWD Central Office.
Kami po ay taos-pusong nagpapasalamat sa DSWD, sa Sustainable Livelihood Program Association, sa mga kawani ng DSWD na sina Sir Jeremiah A. Ilago (Project Development Officer II) at Ma’am Christina E. Dayrit (Project Development Officer II) na naging daan upang maipaabot sa aming mga kababayan ang programang ito.
Muli, maraming maraming salamat po!
#DSWDMayMalasakit
#LAURNUEVAECIJA