
DSWD Educational Assistance
Magandang gabi po sa lahat 

Nais lang po namin linawin at ipag-bigay alam sa publiko lalo na sa mga estudyante at mga magulang na mga nais magpasa at makatanggap ng DSWD Educational Assistance, maghintay lang po kayo ng announcement dito sa ating page.
Tama po ang inyong nakita at narinig mula kay Sec. Tulfo na ibababa na sa mga LGUs ang nasabing programa subalit ngayon po ay wala pang official na abiso sa kanila kung paano ang gagawin at magiging proseso.
Sa ngayon po ay huwag muna po kayong magtutungo sa ating Munisipyo hanggat wala pa pong malinaw na guidelines upang hindi po masayang ang inyong pagpunta pati na rin ang mga pamasahe ng mga manggagaling pa sa malalayong lugar.
Ang maaari niyo lang po munang gawin sa ngayon ay ihanda po ang inyong mga dokumento na kakailanganin sa pagpapasa, para po kapag meron ng guidelines na ibinaba sa amin ay handa na po kayo.
Kami po sa aming tanggapan (MSWDO), katuwang ng DSWD, ay bukas sa pagtulong upang maisaayos at mapabilis ang pagbibigay tulong pinansyal sa mga estudyanteng higit na nangangailangan.
Naniniwala po ako na magiging maayos ang lahat sa mga darating pang linggo lalo na po at wala din ibang hinangad ang ating Punong-Bayan, Mayor Atty. Christopher “Tupe” Daus kundi ang maiayos at matugunan ng mabilis ang mga pangangailangan ng kanyang nasasakupan.
Blessed Sunday po at mag-iingat po tayong lahat.
PS. ‘Wag maniniwala sa fake news hehe 
