DOLE-TUPAD | Program Payout Distribution sa Bayan ng Laur

DOLE-TUPAD | Program Payout Distribution sa Bayan ng Laur- August 30, 2022
Naging matagumpay ang isinagawang pay-out para sa mga benepisyaryo ng DOLE TUPAD mula sa programa ng DOLE (Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers). Siyamnapu’t anim (96) na benepisyaryo ang nabigyan ng tulong pinansyal,
bunga ng kanilang pagtatrabaho.
Sa pakikipag-isa ng Department of Labor and Employment (DOLE) kay Senator Loren Legarda bilang tugon sa mga pangangailangan ng mga nawalan ng hanapbuhay dulot ng pandemya ay nagkaroon tayo ng Programang ito.
Pinangunahan ng Department of Labor and Employment – DOLE TUPAD Coordinator Ma’am Michelle Ann Corpuz, Ma’am Sheryl Anne Santos -LEO III at ang ating Ama ng Bayan Atty. Christopher Tupe Daus ang pagbibigay at pagpapamahagi ng tulong pinansyal.
Inaasahan ang mas mainam at mas mabilis na serbisyo para sa ating mga mamamayan sa bayan ng Laur, wika ng ating mayor.
Mga kababayan, tulad ng ipinangako ng ating Punong Bayan, Serbisyo ang lalapit sa tao, hindi tao ang lalapit sa serbisyo.
Maraming salamat po sa lahat ng naging bahagi ng Programang ito.
#DOLETUPAD2022
#PAYOUT
#BAYANNGLAUR

Copyright © 2015. Municipality of Laur, Province of Nueva Ecija. All rights reserved.

Powered By:

Official Website of Laur Municipality, Province of Nueva Ecija